top of page

Photo Documentary

Ituon mo naman ang mata mo sa mga matang nakatuon sayo...

Siya si Enelita Merano, Limampu't walong taong gulang na nakatira sa Palanyag, Paranaque City. Siya ay may limang anak at limang apo. Siya ay byuda pitong taon na ang nakakalipas. Nakikitira siya sa kanyang bunsong anak sa Paranaque.

F5 _ 1/40s _ ISO-200

Tuwing Sabado pumupunta siya sa Amvel San Dionisio Paranaque para mamalimos. Tuwing Linggo hanggang Biyernes naman ay nasa Dombasco Church siya upang mamalimos. 

F9 _ 1/250s _ ISO-400

Dahil sa may kalapitan ang pupuntahan niya, tuwing Sabado ay nilalakad niya ito.

"Hindi pwedeng hindi ako pumunta tuwing Sabado kasi wala ako pamasahe papuntang Dombasco Church. Dalawang sakay kasi ang papunta doon"

-Enelita

F7.1 _ 1/80s _ ISO-400
IMG_1991.jpg

Sa Amvel San Dionisio ay may simbahan na mas kilalang sa tawag na "El Shaddai" 2018 noong magsimula siyang mamalimos sa lugar na ito. 

F4.5 _ 1/60s _ ISO-200

Limang Buwang taong gulang pa lang si Nanay Enelita ng siya ay masunog sa lampara na aksidente niyang napaglaruan.

"Pinabayaan ako ng mga kapatid ko... noong sanggol pa lang ako limang buwan pa lang ako noon, pinaalaga ako sa mga kapatid ko..."

-Enelita

F4 _ 1/8s _ ISO-800
F4 _ 1/8s _ ISO-800

"pero iniwan nila ako sa bahay at nagbukas sila ng lampara at siyaka lumabas ng bahay. Ginapang ko yung lampara, tumapon yung gaas ng lampara sa akin."

-Enelita

"Dalawang taon ako mahigit na nasa PGH para isalba ang buhay ko. Ngayong kasalukuyan nakikita ko mga kapatid ko pero hindi nila ako pinapansin."

-Enelita

F5.6 _ 1/125s _ ISO-200

Hindi nakapag aral si nanay Enelita. Hindi nakakapag-basa at limitado ang mga letrang nasusulat niya. Sa tulong ng kanyang bunsong anak na lalaki ay nakakuha siya ng  PWD ID at nakabuo ng pirma.

F6.3 _ 1/50s _ ISO-200

"Hindi ako nakapag-aral kahit grade 1, wala. hindi ako marunong magbasa, ang nasusulat ko lang ay yung pirma ko E M I E... yun lang. Kasi yun yung pirma ko"

-Enelita

F5 _ 1/60s _ ISO-200

Mula Alas-dose ng hapon hanggang sa matapos ang gawain ng simbahan ng alas-nueve ng gabi, nag-aantay siya sa limos na galing sa mga tao ng simbahan. Na nagbabakasakali na sila ang makakatulong sa kaniyang pangangaylangan

F4.5 _ 1/80s _ ISO-200

"Sa simbahan ako namamalimos kasi alam kong may habag ang puso nila para bigyan ako ng limos, kasi galing sila sa Diyos. Pero minsan dito ko rin naranasan na matahin at pangdirihan ng mga tao." 

-Enelita

F5.6 _ 1/60s _ ISO-200

Hindi niya kaylan man sinisi ang nasa itaas kung bakit nangyari sakanya ang mga ito, pero kung minsan ay humihiling ito na siya ay kunin na lang. Sa tuwing may mag bibigay kay Nanay Enelita ng limos na pera kahit na inaabot niya ang kamay ay inilalapag lang ito sa tabi niya at lumalayo ang kanilang katawan. Kung minsan naman may mabubuting loob ang nag bibigay sakanya ng pagkain, tulad ng tinapay, pansit at kanin. 

F5.6 _ 1/60s _ ISO-200

"kung bata yan maiintindihan ko pa bakit ganon sila makatingin saaakin, pero kasi yung iba matatanda na at may isip para tignan at pandirihan ako."

-Enelita

F5 _ 1/80s _ ISO-200

Sa pakikipag-usap ko kay Nanay Enelita ako ay nakaramdam ng konsensya. Konsensya na kailan man ay hindi ko pa nararamdaman sa aking buhay, Isa ako sa mga taong napapadilat noong nakikita si Nanay Enelita. Itinuon ko ba ang mga mata ko sa kung anong nakikita ko sa panlabas niya o itinuon ko ba ang aking pag-iisip sa kung anong kwento ang meron siya?

F6.3 _ 1/50s _ ISO-200

"Ikaw din. lagi kitang pinagmamasdan sa tuwing dumadaan ka dito ramdam ko yung takot mo saakin na ayaw mo ako lapitan. Pag tumitingin ka saakin pasilip lang hindi mo ako kayang tignan ng matagal. Kaya noong isang araw na dumaan ka dito naramdaman ko yung lakas ng loob mo para bigyan ako ng pera na meron ka sa bulsa mo, kahit barya lang natuwa ako sayo."

-Enelita

F6.3 _ 1/50s _ ISO-200
"Tanggap ko at wala akong sinisisi sa nangyari saakin dahil aksidente ang lahat, kaya sana makita rin ng tao ang kwento kung bakit ito ang nakikita nila saakin ngayon."

-Enelita

© 2023 by Michelle Sanalila. Powered and secured by Wix

bottom of page